Sunday, July 12, 2026

Candle light service at misa para kay Divine Adili, isasagawa sa ADMU ngayong Sabado

Magsasagawa ng candle light service ang Ateneo de Manila University (ADMU) para kay basketball player Divine Adili ngayong Sabado, June 13 sa Immaculate Conception Chapel, sa loob mismo ng nasabing unibersidad.

Sisimulan ang viewing ng alas-10 ng umaga hanggang mamayang alas-10 ng gabi, habang magkakaroon naman ng misa para kay Adili mamayang alas-6 ng gabi.

Inilipat ang labi ni Adili mula sa Arlington Memerial Chapels, Quezon City kaninang pasado ala-5 ng umaga patungo sa chapel ng nasabing unibersidad.

Samantala, bukas naman ang nasabing aktibidad para sa Ateneo community, base sa anunsyo ng unibersidad.

Facebook Comments