Career high ni LaMarcus Aldridge na 56 points, pinataob ang OKC

27

Wagi ang San Antonio Spurs kontra Oklahoma City Thunder sa double-overtime, 154-147.

Pumalo na sa 56 points ang career-high ni LaMarcus Aldridge upang talunin ang triple-double performance ni Russell Westbrook.

Maliban dito, lumikha rin ng 14 3-pointers ang Spurs, na kauna-unahan sa kanilang franchise.

Nahigitan ni Aldridge ang kanyang dating career-high na 45 points, na kanyang itinala noong marso 2018 sa Utah.

Muling magtatagpo ang dalawang koponan sa araw ng linggo sa Oklahoma City.

Facebook Comments