Carlos Yulo, mayroon nang 2-Gold at 5-Medals

84

Patuloy ang paghakot ni Pinoy Gymnast Carlos Yulo ng medalya.


Sa ika-apat na araw ng 2019 Sea Games, nagdagdag pa si Yulo ng Silver Medal sa kanyang koleksyon matapos pumangalawa sa Vault, Parallel Bar, at Horizontal Bar Events.

Sa ngayon, mayroon na siyang Dalawang Gintong Medalya at Limang Silver Medals.

Kasabay nito, Dalawang Silver Medals naman ang nasunggab ng Underwater Hockey Teams ng Pilipinas.

Silver Medal din ang nakamit ni Hanniel Abella sa Women’s Individual Fencing, habang Bronze Medal ang nakuha ni Nathaniel Perez sa Men’s Individual Foil Semifinals.

Sina Nancy Toyco, Bruce Asuncion at Ainie Knight ay nakakuha ng Silver matapos matalo sa Singapore sa Women’s Triples Event ng Lawn Ball Competition

Nagtapos sa ikatlong pwesto para sa Bronze sina Robert Guarin, Emmanuel Portacio, Leoncio Carreon, at Ronald lising sa men’s category.




Nag-uwi rin ng Bronze Medal si Marc Joseph Gonzales sa Short Track Speed Skating.

Facebook Comments