Carwash boy, huli sa pagpapaputok ng ilegal na paputok sa Navotas

34

Navotas City – Sa kulungan ang bagsak ng isang carwash boy sa Navotas City matapos arestuhan dahil sa pagpapaputok ng bawal na uri ng paputok na “regalo” kung tawagin.

Ayon kay Senior Superintendent Ramchrisen Haveria Jr., hepe ng Navotas Police, naaktuhan ng mga rumorondang pulis ang suspek na si Prince Aldrin Villaruz habang gumagamit ng iligal na paputok na “regalo” sa Barangay San Roque.

Aminado naman si Villaruz na sa kaniya ang iligal na paputok at sinabing sinubukan lang niya ito bilang pampasuwerte sa Bagong Taon.

Pero giit ni Haveria, sa halip na buwenas ay malas ang maaaring sapitin ng mga gumagamit ng iligal na paputok dahil sa panganib na puwede nitong idulot.

Facebook Comments