Casino Filipino, sa Tagaytay mananatiling sarado sa kabila ng pagbalik ng supply ng kuryente at tubig sa lungsod

118

Kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation na hindi muna magbabalik operasyon ang Casino Filipino dito sa lungsod ng Tagaytay.

Ayon sa inilabas na pahayag ng PAGCOR- ito ay bunsod ng anunsyo ng Philippines Institute of Volcanology and Seismology o PHILVOCS na nanatili s Alert level 4 ang Bulkang Taal kung saan inaasahan ang isang hazardous eruption mula dito.


Paliwanag ng ahensya malapit lang ang tagaytay sa bulkang Taal, kaya binibigyan prayoridad at importansya nito ang kaligtasan ng kanilang mga empleyado at mga kostumer.

Dahil dito, walang pang eksaktong petsa kung kelan muling magbabalik ang operasyon ng Casino Filipino sa Tagaytay.

Kasabay nito ay patuloy naman ang isinasagawang relief operations ng pagcor sa ibat ibang Evacuatcenters kung saan nanduon ang mga biktima ng pag putok ng bulkan.

Facebook Comments