Cataingan Masbate, niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

27

Niyanig ng 4.2 magnitude na lakas na lindol ang probinsya ng Masbate kaninang 12:05 ng tanghali.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang pagyanig sa layong 019 km Timog Kanlurang bahagi ng Cataingan, Masbate.

May lalim ito na 24 na kilometro at ang pinagmulan ay tectonic.

Ayon pa sa PHIVOLCS, ito ay aftershock nang 6.6 magnitude na lindol na tumama sa Cataingan, Masbate noong August 18, 2020.

Facebook Comments