Catriona Gray, itinuturing na “craziest” ang nagdaang taon

“Craziest” at “roller-coaster year”.

Ganito itinuturing ni Miss Universe 2018 Catriona Magnayon Gray ang nagdaang taon.

Sa kaniyang social media post, sinabi ni Cat na marami siyang dapat na ipagpasalamat lalo na sa malalaking achievements na kanyang nakuha.


Isa-isa ring niya ang mga kaganapang tumatak sa kanya nitong 2018 gaya ng pagkapanalo niya sa Binibining Pilipinas at ang pagkakaroon niya ng dagdag na “support system”.

Hindi rin raw nito malilimutan ang paglilibot sa iba’t ibang lugar sa bansa at pagdadala ng pangalan ng Pilipinas sa Miss Universe stage.

Say pa ni Cat, lubos rin ang kasiyahan niya sa pag-release ng first music single nito na may titulong “We’re in this together”.

Hinikayat naman ni Catriona ang publiko na mas gawin pang “amazing” ang kabuuan ng 2019 at umaasa rin daw siya na maging “most unforgettable year” din ang taong ito.

Facebook Comments