Cauayan City Mayor Bernard Dy, Malaki ang Pasasalamat sa Ayuda ng Provincial Government!

Cauayan City, Isabela – Malaki ang pasasalamat ng alkalde ng Cauayan City matapos mamahagi ng ayuda ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa mga barangay ng Cauayan City.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Mayor Bernard Dy, napakalaking tulong umano ang ibinigay na Php200,000.00 bawat barangay lalo na sa mga forest region ng Cauayan City.

Ayon pa kay City Mayor Dy, mapupunta umano ang ibinigay na pondo sa mga pagpapatayo ng inpraistraktura, pagpapaayos ng community center at iba pang maaring gamitan ng mga proyekto sa bawat barangay.


Inaasahan pa ng alkalde na mapupunta sa tama at magagamit lamang sa mga proyekto ang pondong ibinigay upang lahat ay makinabang dito.

Samantala ayon naman kay Governor Faustino “Bojie” Dy III na marami pang mga barangay dito sa lalawigan ng Isabela ang bibigyan ng tulong financial ngunit mas malaki umano ang pondong ibibigay sa mga coastal na lugar dahil narin sa mas mahirap makarating ang mga kagamitan sa mga lugar.

Facebook Comments