CAUAYAN CITY, NANANATILING COVID-19 FREE; ACTIVE CASES SA ISABELA, DALAWA NA LANG

21
Nananatili pa rin na COVID-19 free ang Lungsod ng Cauayan matapos na walang maitala na panibagong kaso habang nasa dalawa na lamang ang bilang ng aktibong kaso sa Isabela.

Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information office ngayong araw, April 20, 2022, zero active case na ang Lungsod ng Cauayan simula pa noong April 18 na kung saan nananatili ring walang naitala na panibagong kaso sa buong probinsya.

Sa buong Isabela, tanging ang magkatabing bayan na lamang ng Alicia at Echague ang natitirang may tig-isang aktibong kaso habang ang tatlumpu’t limang mga bayan at syudad naman ay wala ng kaso ng Covid-19.

Sa ngayon, umaabot na sa 68,997 ang total cumulative cases ng COVID- 19 sa Isabela.

Facebook Comments