Cavite, nangungunang lalawigan na may mataas na bagong kaso ng COVID-19 – DOH

42

Nangunguna ang lalawigan ng Cavite sa mga probinsyang may pinakamataas na naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Nabatid na naitala ng Department of Health (DOH) ang 418,818 na kabuoang kaso ng COVID-19 sa buong bansa.


Batay sa case bulletin ng DOH, ang Cavite ay nakapagtala ng 107 new cases, kasunod ang Quezon City na nasa 97, Davao City na may 86, Laguna na may 84 at Quezon Province na nasa 77.

Nasa 10,957 ang bagong gumaling kaya umabot na sa 386,486 ang total recoveries.

Umabot naman sa 8,123 ang namatay habang mayroong 24,209 active COVID-19 cases sa bansa.

Facebook Comments