Cavitex-C5 link fly-over, magpapatupad na ng Toll sa susunod na Linggo

36

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hiling na maningil ng toll sa Cavitex-C5 Link Fly-Over na nagdurugtong sa dulo ng C5 sa Taguig City at sa Merville sa Parañaque.

Simula sa October 24 ay sisingilin na ng 22 Pesos ang mga maliliit na sasakyan (class 1 vehicle), 44 Pesos para sa mga small commercial trucks (class 2), at 66 Pesos sa mga malalaking truck at trailer (class 3).


Pagkatapos ng anim na buwan ay pag-aaralan ulit ang toll rates depende sa resulta kung tataas o bababa ang singil.

Facebook Comments

From Advertisers