Cayetano, aminadong sentimental sa huling araw sa Senado

30

Manila, Philippines – Aminado si Senator Alan Peter Cayetano na very sentimental siya na iiwan na niya ang Mataas na Kapulungan para gampanan ang pagiging kalihim ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Cayetano, naging bahagi na kasi ng buhay niya ang lehislasyon.

Maging ang kanya daw kapatid ay nagiging sentimental dahil sa loob ng 19 na taon ay ngayon lang mawawalan ng Cayetano sa senado.

Sabi ni Cayetano, mami-miss din niya ang lahat ng mga kasamahang senador nasa oposisyon man o kaalyado ng administrasyon.
DZXL558

Facebook Comments