Cayetano, nagbabala kay Mayor Sara Duterte na bubuwagin ang administration coalition

10755

Manila, Philippines – Inamin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na nagbabala sa kanya si Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano na bubuwagin niya ang administration coalition kapag inendorso niya si Marinduque Representative Lord Allan Velasco bilang house speaker.

Pero ayon kay Mayor Duterte – hindi humiling si Cayetano sa kanya ng endorsement.

Aminado rin ang alkalde na binalaan siya ni Cayetano hinggil dito na makakakaapekto sa 2022 presidential elections.

Matatandaang si Cayetano ay isa sa mga mambabatas na naghayag ng kahandaan na maging speaker ng Kamara.

Facebook Comments

From Advertisers