Cayetano, tiyak nang magiging house speaker – Velasco

29

Kumpiyansa si Marinduque Representative Lord Allan Velasco na si Taguig Representative Alan Peter Cayetano ang mahahalal bilang speaker ng Kamara sa gaganaping botohan ngayong araw.

Ito ay kasabay ng pagbubukas ng 18th Congress.


Ayon kay Velasco – dadalo siya sa isang breakfast meeting na inorganisa ni Cayetano para sa kanyang mga kapwa mambabatas, bilang pasasalamat sa suporta sa kanyang speakership.

Para kay Velasco – wala nang rason para hindi maging house speaker si Cayetano lalo na at nagkasundo silang maghahati sa termino nito.

Matatandaang inendorso ni Pangulong Rodrigo Duterte si Cayetano bilang house speaker sa loob ng 15 buwan.

Facebook Comments

From Advertisers