CCP founding chairman Jose Maria Sison – iginiit na hindi uuwi sa bansa hanggat hindi napipirmahan ang socio-economic deal; umanoy malubhang sakit – itinanggi

15

Manila, Philippines – Pinasinungalingan ni Communist Party of the Philippines founding chairman Jose Maria Sison ang pahayag ni President Rodrigo Duterte na mayroong siyang sakit.

Ayon kay Sison – walang siyang bone marrow disease kung saan maayos ang kanyang kalusugan.

Aniya, hindi nito alam kung saan nakuha ni Pangulong Duterte ang balitang mayroon itong nakamamatay na sakit.

Kasabay nito, binigyaan diin ni Sison na hindi siya uuwi ng bansa kahit pa siguraduhin ng Pangulo ang kanyang kaligtasan.

Sinabi ng CCP founding chairman na uuwi lang ito kung mapirmahan na kanilang isinusulong na Comprehensive Agreement on Social and Economic Reforms (CASER).
DZXL558

Facebook Comments