CCTV footage ng hotel kung saan natagpuang patay si Christine Dacera, sinisiyasat na ng pulisya

254

Pinag-aaralan na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang CCTV footages kung saan makikita ang huling sandali bago natagpuang patay ang flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City.

Si Dacera ay natagpuang walang buhay habang nasa bath tub noong January 1.


Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Vicente Danao Jr., inaalam na nila kung mayroong pwersahan o palihim na pinainom kay Dacera.

Hindi pa masabi ni Danao kung hinalay ang flight stewardess.

Payo naman ni Danao sa iba pang pinaghahanap na suspek na lumutang na kung wala namang itinatago.

Hindi na dapat hintayin ng mga suspek na maglabas pa ng warrant of arrest para tugisin sila.




May pananagutan din ang pamunuan ng hotel kung saan nangyari ang insidente.

Lumalabas na kilala ni Dacera ang manager ng hotel.

Facebook Comments