CCTV ikakabit sa mga esterong konektado sa Manila Bay

38

Manila, Philippines – Maglalagay na ng mga Closed Circuit Television o CCTV ang mga esterong nakadirekta sa Manila Bay.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, ito ay para mahuli ang mga nagtatapon ng mga basura sa mga estero.

Bagaman may mga umiiral ng batas at parusa sa mga nagtatapon ng mga basura sa daluyan ng mga tubig, sinabi ni Antiporda na hindi naman naipapatupad ang mga ito.

Aminado naman si Antiporda na matatagalan pa ang rehabilitasyon ng Manila Bay.

Pero mahalaga aniya na naipabatid sa publiko ang tamang pagtatapon ng mga basura.

Facebook Comments