Cebu based business outsourcing company, iginiit na hindi sila isang scam hub

Iginiit ng Cebu Based Business Outsourcing Company na hindi sila isang scam hub.

Sa Pulong Balitaan sa QC sinabi ni Atty. Oliver Baclay Jr., Legal Counsel ng Innocentrix Philippines, lehitimo ang kanilang negosyo sa Cebu na mayroong mahigit apat na pung mga empleyado.

Paliwanag pa ni Atty. Baclay sa maraming taon na nag-ooperate sila ay kailanman ay hindi nasangkot sa panloloko.

Gayunman, aminado ang abogado na mayroong tatlong agents ang kanilang Kompaniya na matagal ng tinanggal ginamit ang Resources ng BPO upang makapanloko.

Sinampahan na umano nila ng reklamo ang mga ito matapos nilang matukoy sa kanilang sariling imbestigasyon.

Samantala, patuloy naman ang panawagan nila kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. maging sa Department of Foriegn Affairs na tulungan maibalik sa bansa sina Micheal Chris Sordilla at Bryan Tarrosa na nakakulong ngayon sa Amerika.

Si Sordilla kasi ang Presidente at CEO ng Innocentrix Philippines habang kapag opisyal ng Kompaniya si Tarrosa.

Inaresto ang dalawa sa Estados Unidos sangkot sa alegasyong sila sa Book Publishing Scam kung saan aabot na 800 ang biktima at nakapanloko ng 44 milliok dollars o 2.5 billion pesos.

Facebook Comments