Cebu City Councilor at Former Congressman Antonio ‘Tony’ Cuenco, pumanaw na matapos ang pakikipaglaban sa COVID-19

Pumanaw na si Cebu City Councilor at former Congressman Antonio ‘Tony’ Cuenco sa edad na 84.

Ito ang kinumpirma ng kaniyang anak na si Former Cebu City Councilor James Cuenco.

Batay sa kanyang facebook post, nakipaglaban ang kanyang ama sa COVID-19 kung saan dalawang beses pa itong na-cardiac arrest kaninang alas-dos ng hapon.


Pero agad naman itong na-revive at patuloy na lumaban sa kaniyang buhay.

Ngunit kaninang alas-sais ng gabi (June 27) ay kinumpirma ni James na pumanaw na ang kaniyang ama.

Sa ngayon, hindi pa malaman kung saan nakuha ni Konsehal Tony Cuenco ang naturang virus.

Si Cuenco ay dating House Deputy Speaker na siyang principal author ng Republic Act (RA) 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments