Cebu dancing inmates, tampok sa Netflix documentary na ‘Happy Jail’

Mapapanuod ang online viral na ‘Cebu Dancing Inmates’ sa 5-part documentary ng Netflix na pinamunuan ng Filipino-American Emmy award-winning director na si Michele Josue.

Tampok dito hindi lang ang kanilang pagsasayaw kundi pati ang kanilang buhay sa loob ng Cebu Provincial Jail na pupukaw sa damdamin ng manonood.

Ayon kay Josue, nakaka-proud ito dahil pagkakataon ito upang maipakita sa mundo ang pagmamahal ng mga Pinoy sa musika at pagsasayaw kahit nasa loob ng kulungan.


Labis naman ang kanyang pasasalamat sa sikat na dancing inmates sa pagbabahagi ng kanilang istorya at sa tagumpay nito.

Pinasalamatan din niya ang pamahalaan ng Cebu na tumulong upang maayos na maisagawa ang nasabing documentary.

Facebook Comments