Cebu Pacific at Cebgo, may paalala sa mga pasahero

27

Nagpaalala ang Cebu Pacific at Cebgo sa kanilang mga pasahero na pumunta ng maaga sa mga paliparan kasabay ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong summer vacation at sa darating na Semana Santa.

Sa travel advisory ng nasabing airline company, dapat maagang pumunta sa paliparan dalawang oras bago ang departure ng kanilang domestic flights habang tatlong oras naman para sa international flights.


Ito ay para makapaglaan ng sapat na oras para sa security inspection, immigration screening, check-in, back drop at iba pang pre-departure procedures.

Isasara anila ang lahat ng check-in counters 45 minuto bago ang kanilang biyahe.

Facebook Comments

From Advertisers