Cebu Pacific may alok na rebook sa may mga flights na patungong China, Hong Kong at Macau

Nagpaalala ang Cebu Pacific sa mga pasaherong papuntang China, Hong Kong, at Macau na mayroon sila hanggang katapusan ng Pebrero para magpa-rebook ng kanilang tickets.

Ito ay sa gitna na rin ng outbreak ng 2019 novel coronavirus

Sa abiso ng Cebupac, ang mga pasaherong may flights sa pagitan ng Pilipinas at Shanghai, Canton, Beijing, Shenzen, Xiamen, Hong Kong, at Macau na nakabook bago o sa mismong araw ng January 24, 2020 at bibiyahe hanggang February 29, 2020 ay pwedeng mag-avail ng mga sumusunod:


  • Rebook flights (bagong flight sa loob ng 30-araw ng original travel data)
  • Refund tickets in full
  • Itago ang halaga ng ticket sa isang travel fund para sa mga susunod na biyahe

Ang mga apektadong pasahero ay pwedeng pumili ng kanilang option sa pamamagitan ng official online portal ng Cebu Pacific.

Facebook Comments