Cebu Pacific, nag-anunsyo na ng kanselasyon ng flight sa UAE

60

mNag-anunsyo na rin ang Cebu Pacific ng kanselasyon ng kanilang flight sa United Arab Emirates (UAE) hanggang sa May 31 ng taong ito

Sa harap ito ng extended travel ban na pinaiiral ng Pilipinas sa mga pasaherong mula sa India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates, kasunod ng pagkalat ng India variant ng COVID-19.


Inabisuhan na rin ng Cebu Pacific ang mga pasaherong apektadong ng dalawang linggong flight cancellation sa Dubai sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa mga ito.

Tiniyak naman ng Cebu Pacific na normal ang kanilang domestic at international flights at wala namang pagbabago sa oras ng lipad nito.

Facebook Comments