Cebu PNP, nilinaw na person of interest pa lamang ang nahuling suspek umano sa pagpatay sa jr high school student

1340

Duda ang ina ng 16-anyos na dalagitang pinatay sa Lapu-Lapu, Cebu sa naarestong suspek sa Davao City na si Jonas Bueno.

Ayon kay Lourdes Silawan, gusto niyang matiyak na ang mahuling suspek ay ang totoong salari sa pagkamatay sa kaniyang anak na si Christine.

Nilinaw naman ni Lapu-Lapu City Police Office Director Senior Superintendent Limuel Obon, na “person of interest” lang ng PNP si Bueno at hindi ito ang kanilang primary suspect.

Itinanggi din ni Obon na sa kanila galing ang larawan ni Buenos na kumakalat ngayon sa mga social media.

Matatandaang nagtamo si Christine ng 30 saksak sa katawan kung saan nawawala na ang dila, lalamunan, esophagus nito at binalatan pa ang mukha.

Facebook Comments