Cedric Lee at Denice Cornejo, hiniling na patalsikin ang judge na naglabas ng hatol sa kanilang dalawa

98

Manila, Philippines – Pinapatalsik ng negosyanteng si Cedric Lee at model Deniece Cornejo ang judge na naglabas ng hatol sa kanila.

Hiniling ng dalawa sa office of court administrator ng Korte Suprema na matanggal si Judge Bernard Bernal ng Taguig Municipal Trial Court Branch 74 dahil sa maling paghatol sa kanila sa kasong grave coercion na isinampa ng actor na si Vhong Navarro.


Matatandaang noong Hulyo 27 ay naglabas ng desisyon si Bernal at hinatulan na makulong ng anim na buwan hanggang tatlong taon ang dalawa kasama ang isang Jed Fernandez.

Laman ng motion for reconsideration (MR) ng mga akusado ang pagpapaalis kay Bernal kung saan inakusahan nila itong wrong appreciation of facts, law and evidence, grave abuse of authority at pagiging bias at partiality.

Magugunitang kinasuhang ng actor sina Lee at Cornejo dahil sa ginawa nilang pambubugbog noong Enero 2014.

Facebook Comments