Celebrity couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa, engaged na!

166

Engaged na ang aktor na si Mark Herras at si Nicole Donesa.

Ito ang kinumpirma ng network ng aktor matapos lumabas ang isang cryptic post ni Mark sa kanyang Instagram.


Batay sa post ni Mark, makikita ang isang black-and-white photo ng dalawang kamay na magkahawak.

Kapansin-pansin sa picture ang diamond ring na suot sa daliri ng babae.

August 20, 2019 nang kumpirmahin ni Mark ang relasyon nila ni Nicole.

Facebook Comments