Cellphone ng mga person of interest sa Dacera case, isasailalim sa examination ng NBI

769

Isasailalim na rin ng National Bureau of Investigation (NBI) sa examination ang data sa mga mobile phones ng mga persons of interest sa Dacera case.

Ito’y upang makakuha pa ng ibang detalye sa ginagawa nilang imbestigasyon sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.


Nabatid na nakumpleto na ng NBI ang forensic examination ng mga tissues na nakuha sa katawan ni Dacera na natagpuang patay noong bagong taon sa isang hotel sa Makati.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang NBI sa Makati Medical Center hinggil sa mga recovered tissues.

Wala namang plano si Guevarra na pangunahan ang NBI sa pagre-release ng resulta ng kanilang eksaminasyon.

Facebook Comments