Center island sa nasa boundary ng Ortigas, Pasig at Quezon City, nilinis ng Special Cleaning Operation Group ng Quezon City

34

Hindi alintana ang init ng araw ng mga miyembro ng Special Cleaning Operation Group (SCOG) ng lungsod ng Quezon nang linisin nila ang center island sa boundary ng Ortigas Pasig at Quezon City ngayong umaga.

Ayon kay Enrico Polintan, team leader ng SCOG nasa 22 na kanilang miyembro ang naglilinis ngayong araw sa Kahabaan ng E. Rodriguez Jr. Ave., center island na mula Ortigas, Pasig hanggang Boni Serrano Ave.


Tinanggal ang mga tumubong damo, pinutol ang mga sanga ng puno, at inalis din ang lahat ng klaseng basura.

Sinabi ni Politan na marami-raming basura at makapal na damo ang kanilang tatanggalin dahil isang beses lang sa isang buwan ito nilinis.

May dala naman silang isang malaking truck na paglalagyan ng kanilang mga nakuhang basura.

Facebook Comments