CEO, wanted na sa PNP dahil sa pagtakbo ng mahigit ₱200 Milyong investment sa Davao Del Norte

815

Wanted na sa Philippine National Police (PNP) ang Chief Excutive Officer (CEO) ng Questlink Digital Marketing Serivices matapos itakbo ang mahigit ₱200 Milyong investment ng mga investor sa Davao Del Norte.

Ayon kay Police Captain Anjanette Tirador, tagapagsalita ng Tagum Police Station, na nagkasa na sila ng manhunt operation laban kay Kenneth Paz Nagaz na sinasabing taga-Quezon City at isang nagngangalang Rogie Sabando, operation manager ng nasabing investment firm.


Humingi na ng tulong sa mga pulis ang isang ahente ng halos 100 investors na nagbayad na ng ₱209 milyon sa kumpanya at pinangakuang aabot sa 500 poryento ang return of investment sa loob lamang ng 15 araw pero bigla na lamang hindi na ma-contact ng ahente sa nagaz kaya nagpasya na siyang magsumbong sa mga kinauukulan.

Walang opisina ang Questlink at tanging sa isang hotel isinasagawa ang mga transaction kaya naman nanawagan na ang PNP sa mga naging biktima na maghain ng pormal na reklamo para mapalakas pa ang kaso.

Facebook Comments

From Advertisers