Ceremonial rollout ng COVID-19 vaccine para sa A4 priority group sa Lunes, all set na

64

Kasado na sa Lunes, Hunyo 7 ang ceremonial rollout ng bakuna kontra COVID-19 para sa nasa A4 priority group sa National Capital Region, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Metro Cebu, at Metro Davao.

Ayon kay National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, ito na ang magiging hudyat ng pagbubukas ng COVID-19 vaccination ng naturang sektor.


Aniya, gagawin ang ceremonial rollout sa SM Mall of Asia sa Pasay City.

Una nang sinabi ni Health Usec. Myrna Cabotaje, ang mga bakunang binili ng gobyerno ang maaaaring gamitin para sa mga nasa A4 category habang ang mga donasyong galing sa COVAX Facility ng World Health Organization ay para sa mga nasa A1 hanggang A3 category.

Facebook Comments