CEREMONIAL SWITCH-ON | Anim na coastal municipalities ng Lanao Adel Sur, iilawan ng DOE

15

Lanao del Sur – Matapos ang 6 na taong pamumuhay sa dilim, magkakailaw narin ang 6 na coastal municipalities ng Lanao del Sur.

Ito ay sa pamamagitan ng idaraos na ceremonial switch-on ng Department of Energy (DOE) sa nabanggit na lugar ngayong araw.

Maliban dito ituturn-over din ng DOE sa Lanao del Sur Electric Cooperative (LASURECO) ang mga solar streetlights na ipinagkaloob ng United States Agency for International Development (USAID) para sa mga residente ng Sagonsongan Temporary Shelter sa Marawi City.

Bibigyan din ng pagkilala ng ahensya ang ilang nilang partners & donors na naging katuwang sa pagbangong muli ng Marawi City.

Matatandaang May 23 noong isang taon nang kubkubin ng ISIS-Maute terrorists group ang Marawi kung saan nag iwan ito ng daang indibidwal na nasawi habang ilang libo din ang nawalan ng tirahan.

Facebook Comments