CERTIFICATE OF CANDIDACY | COMELEC naglabas ng guidelines sa mga kandidato sa national position

Manila, Philippines – Inilatag ngayon ng Commission on Election (COMELEC) ang panuntunan sa sistema ng paghahain ng Certificate of Candidacy o COC para sa national position.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni COMELEC Spokesman James Jimenez, apat na katao lamang ang maaaring isama ng isang senatorial candidate sa paghahain ng COC sa ikatlong palapag ng tanggapan ng COMELEC sa Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila.

Paliwanag ni Jimenez sa mga Party List na maghahain ng Certificate of Nomination o CONA, hanggang 10 katao lamang ang maaaring isama sa ikawalong palapag ng COMELEC.


Paalala naman ni Jimenez sa media, hindi na sila maglalabas ng Accreditation sa filing ng Candidacy at COMELEC Pass na lamang ang kanilang ibibigay, limang pass lang sa TV network, 2 sa print at 2 sa social media.

Transferrable aniya ang nasabing pass kaya maaaring gamitin ng iba pang miyembro ng isang network.

Bukas alas 8 ng umaga ang simula ng filing ng COC at CONA hanggang alas-5 ng hapon.

Facebook Comments