Certificate of Canvass sa pagkapangulo at pangalawang pangulo, patuloy na nadadagdagan

75

Nasa 22 Certificate of Canvass (COCs) na para sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ang nasa pag-iingat ngayon ng Senado at patuloy pa itong nadadagdagan.

Kabilang na rito ang mga nagmula sa Masbate, Agusan del Norte, Ilocos Sur, Valenzuela City, Pasig City, Makati City at Surigao del Sur.

Kabilang naman sa mga naunang COC na dumating sa Senado ay mula sa Malabon, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, La Union.


Nai-turn over na rin sa Senado ang COC mula Guimaras, Ifugao, Zambales, Navotas, at Taguig.

Dumating na rin sa Senado ang COCs mula sa Overseas Absentee Voting sa Netherlands, Jordan, Papua New Guinea, Vietnam, Austria at Cambodia.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, 173 ballot boxes ang dapat nilang matanggap na naglalaman ng COCs na kaniyang inaasahang makukumpleto bago mag-convene na ang Senado at Kamara bilang National Board of Canvassers sa ‪May 24.‬



Facebook Comments