Certificates of compliance, ipinagkaloob sa Angkas at JoyRide

85

Naglabas na ang Motorcycle Taxi Technical Working Group ng certificates of compliance para sa ride-hailing companies na Angkas at JoyRide.

Ito ay matapos maging fully compliant ang dalawang motorcycle taxi service sa guidelines na itinakda ng TWG at ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa ilalim ng Motorcycle Taxi Pilot Program.

Ayon sa Land Transportation Office (LTO), ang certificate ay mananatiling valid sa loob ng pilot study implementation maliban na lamang kung bawiin ito.


Noong November 24, pinayagan ang Angkas at JoyRide na magbalik ng operasyon at nabigyan ng provisional authority.

Facebook Comments