Cesar Mancao II, itinalaga ni Pangulong Duterte sa DICT

313

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Police Officer Cezar Mancao II bilang Executive Director V ng Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC) ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kumpiyansa ang Palasyo na magagampanan at mapagtatagumpayan ni Mancao ang kaniyang bagong tungkulin.

Magugunitang kabilang si Mancao sa mga kinasuhan sa kasong pagpatay sa publicist na si Salvador “Bubby” Dacer at driver nito na si Emmanuel Corbito noong Nobyembre 2020.

Sumuko ito sa Philippine National Police (PNP) noong 2017 matapos makatakas sa National Bureau of Investigation (NBI) noong 2013.

Facebook Comments