CEZA SECRETARY RAUL LAMBINO, PINABULAANAN ANG AKUSASYON NG UMANO’Y PANGGAGAHASA SA ISANG MENOR DE EDAD

60
Pinabulaanan ni Ceza Secretary Raul Lambino ang akusasyon na ibinibato sa kanya ng umano’y dati nilang mga kasambahay.
Saad nito sa press conference na ginanap sa United Lights of Pangasinan, Inc. O Ulopan sa Brgy. Buenlag, Mangaldan, Pangasinan, walang katotohanan ang akusasyon ng mag-ina ukol sa umano’y panggagahasa at paglalapastangan sa mga ito.
Dagdag nito, handang magsampa ng kaso ang kanilang pamilya ukol sa paninirang puri na ibinabato sa mag-asawang Lambino.

Matatandaan na lumabas sa ilang balita, na ginahasa umano ni CEZA Secretary Lambino ang anak ng kanilang kasambahay na kinilala sa alyas “Maricar”, at sinisipa, dinuduro at pinapakain ng panis na pagkain umano ni Mayor Marilyn DG Lambino ang mga ito.
Samantala, magsasagawa ng malawakang imbestigasyon ang pamilyang Lambino kung sino ang nasa likod ng umano’y paninirang puri, at nanindigan ang mga ito na magsasampa ng kaso sa oras na lumabas ang katotohanan. | ifmnews
Facebook Comments