Chairperson ng Committee on Tourism sa Cebu Provincial Board, siniguro na ligtas ang Cebu kabila sa banta ng seguridad

11

Cebu, Philippines – Nananatiling ligtas ang lalawigan ng Cebu sa kabila ng banta ng seguridad sa Cebu at Bohol, ayon kay cebu Vice Governor Agnes Magpale na chairperson ng committee on tourism sa Sangguniang Panglungsod sa lalawigan ng Cebu.

Ayon Kay magpale na nagpakalat n ng mga tourist police ang Cebu Provincial Police Office sa lahat ng tourist destination sa probinsya upang matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa Cebu.

Nitong nakaraang araw, nagpalabas ng travel advisory ang ilang bansa kung saan ang panghuli na nagpalas ng advisory ang South Korea para sa kanilang citizens na iwasan ang pagbiyahe sa Bohol.

Sinabi ng Cebu Vice Governor na nirerespeto ng kapitolyo ang travel advisory ng South Korea para sa kaligtasan din ng kanilang citizens.

Sa ngayon ang kapitolyo ang nakipag-ugnayan sa Police Regional Office 7 at Cebu Provincial Police para sa seguridad ng mga turista sa Cebu.

Facebook Comments