Charge sheet sa Dacera slay case, nadagdagan pa ng walo

291

Nagdagdag pa ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng walong indibidwal na sangkot sa rape with homicide case na may kinalaman sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera.

Ayon kay NCRPO Director Police Brigadier General Vicente Danao Jr., naghain sila ng mosyon para baguhin ang charge sheet kung saan hinihiling sa Makati City Prosecutors Office na isama ang walo pang tao na guest ng Room 2207 kung saan nakita ang biktimang pumasok noong New Year’s party sa City Garden Grand Hotel sa Makati City.


Mula sa 11 respondents ay 19 na ang persons of interest sa kaso.

Kaugnay nito, itinanggi ni Danao ang mga alegasyong may ilang kasama si Dacera sa Room 2209 ang pinuwersa ng mga pulisya na magsabing mayroong ilegal na droga noong party.

Kung may nangyari aniya na ganito ay dapat inilahad ng mga respondents ito sa serye ng media interviews.Charge sheet sa Dacera slay case, nadagdagan pa ng walo

Pero dahil ang kanilang pahayag ay sinumpaan, maaari silang makasuhan ng perjury.




Facebook Comments