Checkpoint sa mga border ng NCR Plus bubble, mananatili kahit GCQ na!

66

Mananatili ang control points ng Philippine National Police sa mga border ng National Capital region Plus bubble.

Ito ang paglilinaw ni PNP Chief General Guillermo Eleazar matapos na isailalim na simula ngayong araw sa General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Rizal at Cavite


Ayon kay Eleazar, mananatili ang mga checkpoint upang masiguro na hindi makakalusot ang non-essential travel sa loob ng bubble.

Giit ng PNP chief, malinaw ang pahayag ng Inter-Agency Task Force na bawal pa rin ang non-essential travel at ang tanging papayagan lang ay ang Authorized Persons Outside Residence (APOR).

Facebook Comments