Checkpoints sa mga border control point sa Metro Manila, mananatili pa rin!

55

Mananatili pa rin ang mga checkpoint sa mga border control point sa Metro Manila kasabay ng pagsailalim nito sa Alert Level 4.

Ito ay kahit aalisin na ang mga itatayong mga checkpoints sa loob ng National Capital Region (NCR) na magsisimula na ngayong araw.


Sa interview nf RMN Manila, sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Guillermo Eleazar na ang mga lokal na pamahalaan na sa labas ng NCR ang magpapatupad ng panuntunan sa mga indibidwal na papasok sa kanilang lugar na nagmumula sa Metro Manila.

Facebook Comments