CHED REGION 1, MATAGAL NA UMANONG HANDA SA PAGBABALIK NG FACE TO FACE CLASSES

Inihayag ni Commission on Higher Education O CHED Region 1 Officer in Charge Danilo Bose na matagal ng handa ang mga paaralan sa buong Ilocos Region sa pagbabalik ng face to face classes.

Sa naging panayam ng iFM Dagupan sa opisyal, sinabi nito na noong nakalipas na taon pa nakapag handa ang mga paaralan sa buong rehiyon matapos mapabalita ang pagbabalik ng all Programs ng face to face classes.

Bagamat noon aniya at mga medical courses pa lang ang naghanda dahil ito pa lamang ang mga pinapayagan noon.

Dagdag pa nito na sa katunayan ay may isa ng kolehiyo sa Ilocos Sur ang nakapag sagawa ng kanilang Dry run sa pagbabalik ng face to face.

Ang 2nd semester ng mga kolehiyo aniya kung sakaling papayagan ang face to face ay depende na sa iskedyul ng mga eskwelahan ng kani-kanilang pagbubukas ng klase. | ifmnews

Facebook Comments