CHEMICAL ATTACK | Chemical experts mula United Kingdom, hindi pinapasok sa Syria

40

Syria – Hindi ipinapasok ang ilang chemical weapons experts sa Syria.

Ayon kay United Kingdom Envoy to the Organization for the Prohibition of Chemical Weapons Peter Wilson, gusto nilang malaman kung ano ang ginamit na substance sa nangyaring poison gas attack ay ipinagbabawal.

Inakusahan din nila ang Russia at Syria dahil sa pagbabawal sa mga ekperto na makapasok ng Douma kung saan nangyari ang chemical attack.

Una nang itinanggi ng Russia at Syria na may kinalaman sila sa nasabing chemical attack na ikinasawi ng mahigit 50 katao.

Facebook Comments