CHEMICAL ATTACK | US President Donald Trump, kinansela ang mga biyahe sa South America para tutukan ang sitwasyon sa Syria

42

Amerika – Kinansela ni US President Donald Trump ang kanyang biyahe sa South America para tutukan ang sitwasyon sa Syria.

Ayon kay White House Press Secretary Sarah Sanders, si Vice President Mike Pence ang sasalo kay Trump para dumalo sa The Summit of the Americas sa Lima, Peru.

Si Pence din ang hahalili kay Trump sa nakatakdang pulong nito kay Colombian President Juan Manuel Santos.

Sa ngayon, pinag-iisipan pa rin US Chief Executive ang magiging tugon ng Amerika sa nangyaring chemical attack.

Facebook Comments