CHESS | IM John Marvin Miciano, nasa unang puwesto pagkatapos ng limang round ng 22nd Hogeschool Zeeland Chess Championships sa The Netherlands

31

Pinatumba ni International Master John Marvin Miciano si 5th seed Grand Master Vyacheslav(WA-JA-CHES-LAF) Ikonnikov (IKON-NIKOW) ng Russia para kunin ang solo lead pagkatapos ng limang laro sa 22nd Hogeschool Zeeland Chess Championships sa Vlissingen, The Netherlands.

Nakuha ni Miciano ang kaniyang ikalimang sunod na panalo laban sa kaniyang beteranong katunggali pagkatapos ng 62 moves ng King’s Indian Defence.

Tinangka pa ni Ikonnikov na maisalba ang laro nang mag-alok ito ng tabla kay Miciano pagkatapos ng 55th move pero hindi ito tinanggap ni Miciano.

Hindi naman nagpahuli si WGM Janelle Mae Frayna matapos padapain naman nito si Duke Kreutzmann para umangat sa 3.5 points.

Tumabla naman si GM Jayson Gonzales kay IM Marcel Peek para manatiling nasa striking distance sa kaniyang 4 points.

Facebook Comments