Chief Inspector Espenido hindi takot sa ganti ng pamilya Parojinog

Manila, Philippines – Hindi natatakot si Ozamiz Chief of Police, Chief Inspector Jovie Espenido na balikan ng pamilya Parojinog sa mga susunod na taon.

Ito ay matapos ang pangunguna nito sa pagsalakay sa bahay ng pamilya Parojinog sa Ozamiz City na ikinasawi ng 15 katao kabilang na mismo si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog.

Ayon kay Espenido alam nyang may history o may nangyari ng ganito kung saan binalikan o ginantihan ang mga pulis na nakapatay sa ama ni Mayor Parojinog Sr.


Magkagayunpaman hindi raw sya magpapatinag sa halip mas pagbubutihan pa nya ang kanyang trabaho bilang pulis.

Naniniwala ang opisyal na ang buhay nya at buhay ng kanyang pamilya ay hiram lang sa panginoon at anumang oras ay babawiin.

Facebook Comments