Chief Justice Lucas Bersamin, pinasalamatan ni VP Robredo matapos tiyaking hindi dadayain ang resulta ng Election Protest

Pinasalamatan ni Vice President Leni Robredo si Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin sa pagtitiyak na hindi dadayain ang resulta ng Election Protest laban sa kanya.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo, mahalagang nabigyang linaw na ito ng punong mahistrado sa kabila ng mga lumalabas na ulat.

Iginiit din ni Robredo, hindi nakakatulong ang mga nagpapakalat ng fake news sa poll protest.


Tiniyak ni Robredo na patuloy siyang magtitiwalas sa Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal, at umaasang makakapagdesisyon na sila sa lalong madaling panahon para matapos na ang lahat ng espekulasyon.

Nakatakdang pagbotohan ng PET ang High Profile Case sa isasagawa nilang full session bukas, Oct. 15.

Facebook Comments