Chief Of Police ng Isulan at PNP Provincial Director ng Sultan Kudarat pinalitan matapos ng pagsabog sa Isulan

56

General Santos City– Pinalitan na ang Chief Of Police ng Isulan pati na rin ang PNP Provincial Director ng Sultan Kudarat matapos sa sunod sunod na pagsabog na nangyari sa bayan ng Isulan.

Pinalitan ni Police Senior Supt. Reynaldo Felestino si Senior Supt.  Noel Kinazo Bilang Police Provincial Director ng Sultan Kudarat.  Habang si Police Supt. Junny Buenacosa naman ang bagong hepe ng Isulan PNP kapalit ng ni-relieve na si Supt. Celestino Daniel.

Unang ipinag-utos ni PNP Director Oscar Albayalde ang pag-relieve sa dalawang opisyal kasunod ng panibagong pagsabog sa bayan ng Isulan nuong linggo ng gabi na ikinasawi ng magpinsan na Jun Mark Luda, 18, at Marialyn Luda, 15-anyos at pagkasugat ng 13 na iba pa.

Ang nasabing pagsabog,  naganap limang araw ang nakalipas ang unang pagsabog noong Agosto 28 na ikinamatay ng 3 katao at pagkasugat ng 36 iba.

Samantala ang grupong Dawla Islamiya-BIFF-Isis Inspired Group na pinamumunuan ni Abu Toraife ang syang tinuturong suspek sa nasabing insidente.

 

 

Facebook Comments