Chief of Staff ng MILF naupo na bilang bagong Minister ng Natural Resources and Energy ng BARMM

Isinagawa noong Feb. 28 ang turnover ceremony mula kay DENR ARMM Secretary Kahal Kedtag tungo kay bagong talagang Minister of Environment and Natural Resources and Energy Abdulraof Macacua.
Dumalo at naging pangunahing bisita sa okasyon si Interim Chief Minister Alhaj Murad Ebrahim.
Kaugnay nito nagpasalamat naman si outgoing DENR ARMM Secretary Kedtag sa lahat ng kanyang mga nakasama sa Departamento.
Hinimok naman ni Sec Kedtag ang lahat ng kanyang mga nakasama sa Departamento na suportahan si Minister Macacua.
Masaya namang ibinalita ni Minister Macacua na pansamatalang magiging inatact ang mga empleyado sa ahensya. Ibig sabihin walang maaalis na kawani ng ahensya.

Facebook Comments