Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, naniniwalang malaking tulong ang pagbabakuna sa mga kabataan upang makamit ang population protection

36

Welcome development para kay Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ang plano ng pamahalaan na bakunahan maging ang mga kabataan.

Ayon kay Panelo, malaking tulong sa bansa na makamit ang population protection kung pati ang mga nasa edad 12-17 anyos ay mababakunahan na rin laban sa COVID-19.


Ang pahayag na ito ni Panelo ay makaraang maglabas ng kanyang pahayag si National Task Force Against Covid-19 Chief Implementer and Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., kung saan sinabi nito na posibleng masimulan na ang pediatric vaccination sa Setyembre o Oktubre ngayong taon.

Ito’y dahil na rin inaprubahan na ng US FDA ang paggamit ng Pfizer sa nabanggit na age group.

Sa ngayon, nakatakdang amyendahan ng ating FDA ang EUA ng Pfizer upang maisali na sa mabibigyan ng bakuna ang mga nasa edad 12-17 anyos.

Facebook Comments