CHILD PORNOGRAPHY | 4, kabilang ang isang pulis, arestado ng NBI

54

Sinampahan na ng kaso ang apat katao kabilang ang isang pulis na nahuli ng NBI sa dalawang cybersex den sa South Cotabato.

Paglabag sa kasong Anti-trafficking in persons act at cybercrime prevention act ang isinampa laban kina Jesa Canja Peñacerada, Maria Jemma Zarate at Guillerma Zarate.

Dagdag na kasong illegal possession of firearms naman ang inihain laban kay PO3 Retchie Buca.

Sa operasyon ng NBI Central Mindanao Regional Office, Anim na babae kasama ang 4 na bata ang inabutang nagsasagawa ng live show sa internet

Nakumpiska naman ang mga computer, laptop, webcam, microphones gayundin ang mga sex toys, wig, mga sexy na uri ng damit at mga make-up.

Facebook Comments